Medyo natagalan kami ni Rose na magdecide kung saan kami mamamasyal. Yung mga lugar kasi na gusto naming puntahan tulad ng Floating Market at Little India ay malayong-malayo sa hostel na tinutuluyan namin. Pagkatapos ng ilang oras na pagdapa sa kama at pag-iinternet at pagcheck sa mapa kung saan maganda pumunta, pareho kami sumang-ayon na sa Chatuchak Weekend Market.
Dahil medyo gamay na namin ni Rose ang pagkocommute gamit ang bus at MRT, hindi na kami nahirapan pumunta sa Chatuchak. Isang sakay lang ng MRT ang ginawa namin at pagkatapos ng tatlumpung minuto, narating na din namin sya.
Sana kasing ayos ng sistema ng MRT ng Bangkok ang sitema ng MRT natin dito sa Pilinas.Sa tingin ko, kaya naman kung talagang ipapatupad ng maayos, mahigpit at talagang matututo tayong mga Pilipinong maging disiplinado.
Sa sarili kong opinyon, ang Chatuchak Weekend Market ay maikukumpara ko sa Tutuban at Divisoria natin sa Pilipinas.
Ang pagkakaiba nga lang, MAS MALINIS ITO! Hindi ko tuloy naiwasang tanungin ang sarili ko at si Rose...kung kaya ng Bangkok na magkaroon ng ganito kalinis na palengke, tiangge, pamilihan na pinupuntahan ng libu-libong tao kasama na ang mga turista...BAKIT HINDI KAYANG GAWIN NG PILIPINAS?
Tuloy ang kwento. Mula sa pagkain, damit, aksesorya, sapatos...lahat makikita mo sa Chatuchak Weekend Market.
Bumili kami ni Rose ng Mochi, ang ice cream ng japan. (Sa pagkakaalam ko, lol)
Dapat pag pupunta ka ng Chatuchak, meron kang Tumbler para paglagyan ng tubig o kaya maghanda ng pera pambili ng mga mineral water kasi ang init!
Sa kakalibot namin, syempre nagutom kami. Ayun, kain na naman. Iba talaga ang Thai Food. Ang sarap! Actaully, di ako partikular sa pagkain, basta masarap sa panlasa ko, ayos na ako dun kahit di ko alam ang tawag. Hahaha.
Matapos ang halos isang araw na pag-iikot, paglalakad, pagtingin sa mga kung ano-ano...sa wakas nakapamili na din kami at nagdesisyon na umuwi na kasi masakit na ang mga paa namin.
Pagdating sa hostel, nagpahinga muna ako ng sandali at nagyosi sa rooftop bago maligo. May date kasi ako. Naks.
At matapos ang halos isang oras, dumating na yung bisita ko, date ko. Paul ang pangalan nya, isang Canadian. Sa pagkakatanda ko, nasa kwarenta na ang edad nya. Mabait, intelehente at cute siyempre. Isa siyang teacher sa isang International School sa Pilipinas at nasa Bangkok katulad ko para sa isang maikling bakasyon.
May dala syang alak kaya uminom muna kami sa rooftop. Nagkwentuhan at kinilala ang isa't-isa.
Pagkatapos namin uminom sa hostel, nagpunta na kami sa Gay District ng Bangkok upang uminom ulit at magkwentuhan. May pinuntahan din kaming club na pwede ka sumayaw.
Alas-tres na ng madaling araw nang mapagdesisyunan namin na umuwi na.
Pero dahil gusto pa namin makasama ang isa't-isa, nagpunta kami sa Pinnacle Hotel, isa sa malalaking hotel sa Bangkok na malapit lang sa hostel na tinutuluyan namin ni Rose. Kumuha kami dun ng kwarto. At sabi nga sa kasabihan, the rest is history.